Bananas have hearts

27 Feb 2012

North America – Canada and the US – is abundant in Internet memes, whether it be of the pictorial or video variety. So far, a few of them have risen to well-known status within Net denizens, but in Filipinas, one meme has reached arguably national status

The clip is an excerpt from the 2006 Filipino action movie Apoy sa Dibdib ng Samar (literally translated “Fire in the Chest of Samar”). Here, the character in focus, played by Mark Lapid, cries this line that has gained Internet fame (and even outside of it) for its cheesiness that arguably even exceeds the worst amounts of cheese. Translated:

” Yes! I admit, we’re only bananas. But find a tree in the whole Philippines, only a banana has a heart! Only a banana has a heart!”

So funny and cheesy this was (the line really has the impact, of course, in the original Tagalog) that a Manila DJ has remixed this video into a dance mix that has got the airwaves in Manila (and perhaps the rest of the country)

Enjoy. And as a related video says, “saging is good for your health”.


Sa isang Abenida…

26 Feb 2012

Ako’y lumalakad. Umuulan, at gabi. Tanging itim at puti ang aking nakikitang kulay sa paligid. Siguro kadalasa’y hindi ko pinapansin ang aking mga paligid – liban nga lang sa gabing ito, sa gabi ng aking paglalakad.

Tiningnan ko ang bawat gusali na nasa aking tabi. Sa bawat tabi. Nasabi ko ba sa iyo na lumalakad ako sa gitna ng daan? Ay hindi, hindi naman sa gitna ng mga gusali, aba’y wala na ako kung ganoon. Sa “island”, sa gitnang tuyo kung saan maaaring mamasid, makita ng tao ang kanyang mundo, ang kanyang daigdig kung saan wala siyang kahit anong kinalaman o “role”.

O ginaganap na papel.

Malamig ang hangin, malamig ang gabi. Ako’y hinahabol ng nasa aking likuran, nang mga naiwang kong bagay na hindi ako iniiwan. Sino pa ba sila, sino pa ba?

Ako ba’y pumapatak na ulan sa wala, kawalan? Habang pumapatak ang mga luha sa dilim, ako ma’y patuloy na lumalakad, lumalakbay sa wala.

Tumitingin ako sa mga gusali, sa mga sinehang Art Deco, sa mga gusaling tindahang hindi ko naabot ang simula, pero magkaganon ma’y parang naabutan ko sila. Parang nandun ako nung unang napatayo ang mga iyon. Oo, naabutan ko ang mga iyon. Sila sila na kailanma’y di na alam.

Yung ako’y yayaon, pero ika’y di yayaon, kailanman. Kundi mo ako maiwan, susunod ikaw tulad sa isang kalaguyo, sa isang ka-ibig.

Madilim, ang umaga ngunit ito’y unti-unting umaabot sa akin. Mas lalong pinatingkad ng pagharana ng gitara, ang pagharana ng isang “string” nito, ang aking maalimuyak na gabi. Umuulan muli, sila na hindi pinaiwan ng dilim. Kumawawa, gumimbal ngunit sa huli pinatulog. Humihimbing sa gitna ng daan, sa gitna ng usok at konkreto. Kawawa, sila. Kahit anong mangyari , ako pa ri’y nandiyan.

Ako pa rin ay nandiyan. Hindi mo ba ako maiwan? Yan ang di ko kaya. May limitasyon din ako. Hindi kita maiwan. Kailanman. Sa gitna ng dilim na ito.


Ang dilema ng pagiging pulitikal at Filipino sa ibayong dagat

23 Feb 2012

Sasabihin ko sa inyo ang isang problemang hindi ko pa nasulat sa anumang papel o nasabi sa kaninuman.

Ako ay taong pulitikal. May hilig ako sa mga bagay o isyung pulitikal. Sa’n ba ‘to nagsimula? Nagsimula muna sa hilig sa SIBIKA at HEKASI, o mas tiyak sa kasaysayan ng Filipinas, o mas lalong tiyak sa Himagsikan ng 1896 – may hilig rin ako, kung hindi man mas mataas at matinding hilig, sa kasaysayan ng Filipinas, at hindi ko na kailangang ulitin pa sa inyo kung anong mas tiyak pa doon. Ang pagkahilig na ito sa kasaysayan natin ay dinagdag ng aking regular na pagbabasa ng diyaryo sa silid-aklatan sa paaralan. Doon ako namulat – o nakita ko – sa ating kalagayan, ng ating bansa sa mga nanggugulo dito at rito, ang kundisyong kasalukuyan nito, ang kahirapan nito at ang reputasyon nito sa buong mundo. Doon, o mas maganda noon, nabuo sa akin ang isang kaisipan, ideya, na palayain ang Filipinas itaas ang Filipinas sa kanyang mataas na posisyon sa daigdig. Itaas siya mula sa kaniyang mababang posisyon at itaas siya sa mas mataas at mas gagalangin na posisyon o kalagayan sa daigdig. Ito’y isang ideya na, sa itaas o ibaba, nanatili o sinubukan kong panatilihin sa akin mula noong mga “high school” na araw ko sa Filipinas hanggang sa mga araw ko rito sa Kanada, sa loob ng mga iba’t ibang pangyayari at disgrasya sa buhay, at ano pa.

Ngayon, ang ganitong kagustuhan na ilagay ang Filipinas sa kinalalagyang mas gagalangin siya ng mga ibang bansa ay mangingibig-sabihing maglunsad at magsulong ng isang kampanya o pagkikilos para dito. Para sa isang aalis sa HS at pupunta ng unibersidad, ito’y mangingibig-sabihing simulan ito sa iilang kapwa-estudyante sa pamantasan. Napigil ito ng paglagpak sa pasukang pagsusulit (“entrance exam”) at mga maling desisyon – dahil dito’y sumama ako sa pagpunta sa Kanada kasama ang pamilya ayon sa kasunduan. Ngayon ang krux ng sanaysay na ito na walang binigyang “talagang” direksyon – sa abot ng aking makakaya na gawin at tuparin iyon. Mahirap ang maging Filipino at pulitikal dito sa British Columbia sa Kanada. Walang masyadong interes ang mga Filipino rito sa pagkilos pulitikal sa Filipinas. Pwedeng mali ako rito pero sinasabi ko lang ang sa tingin ko’t nakikita ko’y ganuon. Hindi nakakagulat na ang pangunahing hangarin ng mga Filipino rito sa BC, tulad ng sa mga Filipino sa ibang panig ng daigdig, ay makuha at maabot ang isang magandang buhay para sa kanila at sa kanilang mga mag-anak (sabihin nilang para ito sa kanilang mga pamilya, pero siyempre para din sa ikagagaling o “improvement” ng kanilang kalagayan para sa sarili, walang masama doon). Karaniwan, oo, ang pag-uusap tungkol sa nangyayari sa iniwang Bayan, ngunit ito’y magtatapos kadalasan sa isang kumpas ng kamay at isang pahiwatig, parehong halata o ‘di-halata, na talagang masama na talaga ang kundisyon sa Filipinas at mas mabuti dito sa Kanada – muli, walang mali sa ganoon, karaniwan na iyong nangyayari. Ngayon pwedeng mali ako rito dala ng hindi masyado o lubhang pag-uusap sa mga Filipino rito – ngunit kung tutuusin, iyan ang mangyayari kung hindi ka masyadong lumalabas at maaliw sa asul ng langit at liwanag ng araw. Mas makakarinig ka ng pulitikal na usapin sa mga nakatatanda dito – sila na nagdala sa kanilang mga pamilya rito para sa inaasam na maginhawang buhay. Sa mga nakababata, wala masyado, kundi man wala, dahil sa ibang bagay. Ang tanging mga pulitikal na organisasyon dito na may kinalaman sa Filipinas ay mukhang may pagka-kaliwang orientasyon. Dala ng mga nabanggit na ito, ang tanging lugar sa British Columbia na pwede kong pag-usapan ng malaya o “OK” ang aking mga pulitikal na pala-palagay ay dito sa blog na ito at sa ibang mga lugar sa Internet, kung sila’y meron.

Ang mga tanging paraan para lumahok sa mundong pulitikal dito bilang Filipino ay ang sumali sa iba’t ibang mga pagkilos na may kaugnayan sa mga mahahalagang “issue” para sa mga Filipino tulad sa mga “caregiver”, na kung saan wala akong interes, o sumama sa aktibidades ng mga pagka-kaliwang grupong Filipino dito marami ay nakakonekta sa mga unang binanggit na pagkilos at siguro’y asahan na pwede kang makagawa ng pagbabago sa loob, na hindi ko pa naiisip na gawin ngayon at ewan kung gagana ba o hindi ka maaapekto sa iyong maririnig at makikita at makikisalamuha. Meron din ang pagsali sa mga kooperatiba – may isang itinayong kooperatiba dito sa Vancouver at kailangan ko pang makagawa ng isang aksyon doon, kung gagawin ko bang ipasok ang aking paa doon o magpadala ng “email” sa kanila ukol sa kung anong maaaring maibigay ko roon. Meron din yung pagkonekta sa iyong mga paniniwalang pulitikal sa kung anong paniniwalang pulitikal dito sa Kanada na mas malapit sa iyong mga pinaninindigan, kahit gaano kalayo ang maaaring kuneksyon dito. Ito ginagawa ko ngayon, kumukonekta at tumitingin – ngunit tinatangging sabihin nang bukas kahit sa sarili na talagang kaisipan ko ito, kung ganon man – sa “Red Toryism” Ilan sa mga “link” sa kanang bahagi ng blog na ito, sa hanay na “Canada” ay “Red Tory”.

Iyan nasabi ko na sa wakas ang isang bagay na matagal nang hindi nasasabi o nasulat at iilang beses na pinagbukas ang pagsusulat dito. Ganito talaga, ang aking kinalalagyan dito, pero pwedeng magbago.


Ang paglilitis sa Punong Hukom at ang halaga nito sa Bayan

18 Feb 2012

Maraming linggo na ang lumipas mula nang nagsimula ang paglilitis kay ginoong Renato Corona, Punong Hukom ng ating Kataas-taasang Hukuman, ang Tribunal Suprema. Nililitis sa mga kaso ng mga lihim at ‘di-deklaradong yaman at ari-arian at, lalo pa, ang umano’y pagiging tau-tauhan ng naunang pangulo para sa ikaka-pakinabang niya. Mula noong nagsimula ang paglilitis, ang prosekusyon ay ilang beses pinagsabihan ng mga senador-hukom ukol sa mga maling aksyon at ebidensya nito, ang depensa’y mukhang mga kontrabida pa rin laban sa “pag-uungkat ng katotohanan”, at ang Senado ay mukhang napagod na sa pagkahaba-haba at kawalan ng resolusyon sa paglilitis.

Hindi tungkol sa mga detalye ng paglilitis, kung ang ebidensyang ito’y tama o nagsisinungaling, ang pag-uusapan dito. Ang tatalakayin dito ay kung ang ginaganap na paglilitis sa punong hukom ay may halaga ba’t makakatulong sa Bayan.

Tandaan na bago ito’y ang Kumisyong Pangkatotohanan (ang “Truth Commission”) na ang pagtingin at pagsuri sa mga mukhang pagkakasala ng nakaraang pamamahala ang inatasang layunin; hinimbing ng isang desisyon ng ating Kataas-taasang Hukuman. Kung magpapatuloy ang kasalukuyang bilis ng paglilitis – isama ang katunayan ng hangganan ng termino ni Pang. Noy – baka matapos ito na walang tiyak na kungklusyon, liban na lang kung may interes pa na ituloy ito ng mananalo sa susunod na halalang pampangulo. Sabihin nating natupad ng paglilitis ang layunin nito sa oras, wala na sa katungkulan si G. Corona at nagawa na ng administrasyon ni Noynoy ang gusto nito sa nakaraang administrasyon. Pinarusahan na ang mga sakdal, masaya’t nagdiwang ang madla, makakahinga na rin ang lahat sa wakas na may ginawang katarungan sa mga may kapangyarihan. “All’s well that ends well,” sa Ingles.

Ngunit mabibigyang-solusyon ba ng paglilitis na ito ang problema ng katiwalian sa Bayan? Magbibigay-daan ba sa ganap na pagbibigay-katarungan, sa mga biktima ng masamang kapangyarihan, ang paglilitis sa Punong Hukom at ang mga maaaring sumunod na hakbang? Walang isang pangyayari, sa ating panahon, ang tutungo sa tuluyang pagsugpo ng katiwalian o tunay na pagbigay-katarungan. Sa totoo lang, walang kahit anong hakbang ng pamahalaan ang makalulutas sa mga suliraning ito at iba pa. Ang tunay na problema, balakid sa anumang paglutas sa mga suliranin ng Filipinas ay ang ating kasalukuyang pamamahala, ang Sistema na nagsimula noong pananakop ng Estados Unidos at nagpatuloy pagkatapos ng “Independencia”, sumasakop hindi lang sa pampulitika kundi pati na rin sa pang-ekonomiya at pangkultura na aspeto ng Bansa. Ang tanging mabuting magagawa nati’y ang patuloy na pagbuo ng mga ideya’t institusyon sa labas ng kasalukuyang Sistema, sa uri ng mga samahan at organisasyon, mga babasahin sa papel o sulatin sa Internet tulad ng mga blog, na makakabuo ng isang mabisang alternatibo sa Sistema ng ngayon na pang-Bansa at pantao.

Sa tanong na kung may halaga ba’t makakatulong sa Bayan ang paglilitis kay Punong Hukom Corona, siguro kung sa pagdala ng isang grupo ng mga magnanakaw at oportunista sa katarungan, epektibo. Pero hindi nito mabibigay-solusyon sa sarili nito ang suliranin ng katiwalian, at kawalang-katarungan, sa Filipinas.


About the upcoming protest of February 4

03 Feb 2012

Today is Saturday the fourth of February in the uber-cold wilderness, both urban and rural, of Russia. Today the anti-Putin, anti-Systemic opposition movement, of various hues and orientations, is going to mount a rerun of 10 and 24 December. Today they are going to again show, to the ruling regime and its agents inside and the world outside, that they still have the numbers and “juice” to maintain their unity and make all the more known their demands, which include the ouster of the head of the Central Election Commission and launching new parliamentary and presidential elections. Some political forces will hold protests separate from the main one, while pro-Putin forces are also going to organise their rally in parallel to the anti-Putin rally.

My thoughts on this. One thing that surprises me is the response from one of the main opposition figures in the country, the leader of an organisation that has launched numerous anti-government actions since Yeltsin’s era in contrast to the response from similar radical groups. It may be due to Mr Limonov’s quite extensive experience in anti-government ranks or that it’s just part of his nature, moulded since his young days in Kharkiv and influenced all the more by his involvement in punk during his NY exile. Or maybe there is truth to what he said, that any protest arranged with the government is destined to be a failure – and worthless. Yet not to join simply because it’s something negotiated with the “state”-labeled enemy would only prevent oneself from making one’s advocacy heard, from the opportunity to take advantage of the situation to forward one’s goal. The necessity to make the need for change, massive change in Russia all the more obvious is all the more imperative.

The protests may have started by the time this is posted. What can only be said here is that the need to make the desire for renewal and change in Russia known – after such a long time of apathy and non-participation – is very good news, and such a short time, a short opportunity that may never come again and can be squelched by the Putin regime any period must be taken advantage of in the most ultimate manner possible.


The Window of Truth

02 Feb 2012

So I sat

The window faces me

As both the gold warming light of the sun

And the equalizing, levelling cloud of gray

Compete for my attention.

I said nothing.

Well the truth is, there is something I want

To say.

Why do I not say it?

Someone who wants to festoon up still

The picture of the solitary quiet man

Of strength and point-less wandering

Not wanting to appear feminine

Or something he dares not mention

To anyone. Or perhaps even himself

I remain still in the chair

It’s now the shining sun that is on display

It and nothing else.

I made it that way

The window shows sun

Outside really are those clouds.

It may be covered up

But it is still there

Not wanting to remain hidden and unknown

Its time to make known arriving…